"Tulay" : An Original Filipino Poetry
"Tulay"

Photo source : Pixabay
Tulay na nagdudugtong sa magkabilang isla
Pwedeng maglakad, pwede ring magsasakyan
Mausisa at masusing pagpaplano ang pagkagawa
Mga hapon ang kinuha para sigurado ang kalidad ng resulta
Bantog kasi sila sa disiplina at pagkamasipag
Kaya sila ang inatasan upang ito'y matatag
Ang tinutukoy kong "Tulay" ay sa Lapu-Lapu
Mayroong dalawa at may paparating na pangatlo
Nagdudugtong sa mga abot na pulo ng Cebu
At para maibsan ang trapik na naranas namin dito
Sa buhay, may mga bagay na nagsisilbing "Tulay"
Tungo sa pamumuhay na napakatiwasay
Nagsisilbing daan sa paghagilap ng oportunidad
Dahilan upang magkaroon ng buhay na dekalidad
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.