"Kape" : An Original Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Kape"


Photo source : Pixabay


Pampagising sa umagang malamig
Galing sa tulog na napakahimbing
Hinihila pa ng unan at higaan
Di nais na ako pa ay pakawalan

Ang init mo ang nagpapagising sa umaga
Inaalis ang antok na nasa mga mata
Nanunuot ang init sa aking kalamnan
Pinupunan ang tiyan kong walang laman


Barako, 3 in 1, o maging cappuccino
Kahit anong klaseng "Kape" walang sinasanto
Matanggal lang ang antok na meron ako
Di, alintana kung ilang baso ang nainom ko


Sa tuwing nagsusunog ng kilay, kinakailangan kita
Matanggal lang ang antok na aking nadarama
Matapos ang proyekto at araling nakatambak
"Kape" ang kasangga para matapos ang nakaimbak



Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2