Literaturang Filipino: Pangarap Ko, Noon at Ngayon
Na tila ba katulad ng buwang lagi kong nahahagilap
Ang lumaki ng ganap at pag ka musmos ay iwanang ganap
Upang sa wakas ay marating ang mga pangarap
Sariwang-sariwa pa rin sa aking pag-iisip hanggang ngayon kung gaano ang mga simpleng bagay nuon ang nagbibigay ng kakaibang saya sa batang musmos na namumuhay sa akin. Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang tuwang dala sa tuwing nakikita ko noon na bitbit ng aking ama ang pangarap kong Dunkin Donut o laruang hula-hoop at manika. Nakaka-miss ang mga panahong abot kamay ko lang ang mga bagay na sa akin ay magpapasaya.
Sa bawat pangarap, katumbas ay problema.
Subalit, andito ako at sa mga pangarap ko, ako’y laging handa.
Bukas makalawa, pangarap ko ay magiging akin na!
Kasayahan para sa aking pamilya at kasama na rin ang ginhawa.
Nasa ikalawang taon na ako sa abogasya.
Kaya’t dalawang taon pa o mahigit mangingibabaw sa isip kung kaya ko kaya?
Ang tanging pangarap ko lang naman ay ang maibigay ang buhay na nararapat sa aking ama’t ina. Ang makita nila akong matagumpay at masaya. Ang lahat ng ito, ay makakamit sa tulong ng sipag at tiyaga, tiwala sa sarili at gabay ng Poong Ama.
![27042841_2245591742125075_1627898607_n.png]
WITNESSES: @aggroed | @ausbitbank | @blocktrades | @cloh76.witness | @curie | @pfunk |@precise | @smooth.witness | @someguy123 | @steemgigs | @timcliff | @utopian-io
dumugo ilong ko lol
umabot ako ng halos 3 oras pag gawa nito tapos yung nasulat ko d man lang nag 250 words. hahahaha
Nice poem:)
Steem On!
@steemgigger, thank you so much!