Pangarap ng Isang Batang Mangingisda
Dahil na rin sa hirap na dinanas ko sa mga panahon pong 'yon, natuto akong mangarap - ang maiparanas sa aking pamilya ang maginhawang buhay na noong panahong 'yon ay hindi ko man lang lubos na naramdaman.
Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit na akoy nasa elementarya pa lamang. Kahit ganito ang sitwasyon, nakayanan kong maging numero uno sa klase. Pero dumating ang panahon na kailangan kong gumawa ng sakripisyong hindi ko inakala na magagawa ko noon - ang lumayo sa pamilya sa loob ng apat na mahabang taon upang makapag-aral ng libre sa hayskul.
Sa araw ng aking pag-alis, lumapit ang aking ama, may luha sa kanyang mga mata. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakita ko siyang ganoon. Bigkas niya, "Noy, wag mo nang ituloy ang pag-alis mo. Dodoblehin ko ang aking pagtatrabaho masuportahan ko lang kayong dalawa ng ate mo."
Alam kong siya ang pinakamasipag na ama sa buong mundo, pero alam ko ring hindi niya talaga kayang tustusan ang araw-araw na pamasahe naming magkakapatid sa hayskul ng aming lungsod. Kaya kahit na labag sa aking kalooban, sinabi ko sa kanya, "Ayaw kong maging pabigat sa inyo, Pa. Kaya ko to."
Parang ako na ang may pinakamatatag na damdamin sa sandaling yun. Lumuluha, pero pilit kong pinadama ko sa aking ina at ama na okay lang ako at kayang-kaya kong harapin ang pagsubok, ang mabuhay nang wala ang mga minamahal ko.
Gayon nga, pagkatapos ng mahabang panahon nakayanan kong mabuhay sa isang malayong institusyon, na siya ring humubog sa mga pagkatao ko. Dito ko nadiskobre ang aking kakaibang talino, at kalaunan ay nagtapos akong Salutatorian sa aming klase, kasama pa ang isang parangal sa Matematika.
Sa kolehiyo, nagtapos ako na Magna Cum Laude at nagkaroon ng sari-saring achievements na lubos na nagpapaligaya sa mga magulang ko. Nakakagaan ng loob nang makita ko ang saya sa mata ng aking mga magulang nang naging pangpito ako sa board exam noong Setyembre 2015. Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang isang Mechanical Engineer sa isang sikat na hotel sa Mindanao, at kahit papano, kaya ko nang itugon ang mga pangangailangan ng aking pamilya at ibigay ang noo'y di ko kayang ibigay sa kanila.
Nang dahil sa desisyong magsakripisyo ng isang 12-taong gulang na bata labindalawang taon na ang nakalilipas, nakarating ako sa posisyong kayang makamit ang ano mang bituin na aking nanaising maabot.
Sa ngayon, patuloy ang paghahangad ko na lalo pang mapasaya ang aking mga magulang na halos buong buhay ay hirap ang tinatamasa.
Ako po si Rizalino Caratao. Salamat po sa pagbasa sa kwento ng isang batang mangingisda.
God Bless
God bless din po. :)
Isa kang mabait at masipag na lodi kaya maraming biyaya ang dumarating sayo. Saludo ako sa'yo PETmalung lodi!
Maraming salamat, @smaeunabs. Mas mabait at masipag ka kaya mas maraming biyaya ang nakaabang sayo. :)
Hahahaha really? Ikaw ba yan? Hahahaha thank you sooo much @caratzky! Keep doing you and your witty jokes!
Ito yung isa sa mga dahilan kaya ika'y lubos kong hinahangaan.. mabuhay ka aking kaibigan!
Salamat. Lahat tayo may sariling storya worth sharing sa iba. Nabasa ko na rin storya mo. Masasabi kong wala talagang hangganan ang kayang abutin ng taong determinadong makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Mantap tulisan n fotonya....
Saya menunggu anda di akun saya @jubagarang
Keep inspiring people! I am inspired!
Thank you. God bless @davids-tales :)