Literaturang Filipino - Pangarap ng Isang Manunulat
"Manalo sa Palanca!"
Elementarya, siya ay gumawa ng sariling akda gamit ang mga papel sa likuran ng kanyang mga kwaderno napuno ito ng mga ideya. Ideya na kung saan lumalakbay, umiiyak at tumatawa ang karakter sa isip niya. Mayroon bang nakabasa? Wala ni isa.
Ang kwaderno na kung saan nakatala ang kanyang pakikipagsapalaran ay nakuha ng iba.Kinutya at pinagtawanan ang kanyang sa likha na sa tingin niya ay obra. Dito na siya nawalan na ng kumpiyansa. Nilimot na ng bata ang mga karakter sa kanyang isipan, masakit man pero iyon din ay kailangan.

Tiwala sa sarili ay unti-unti nang naubos parang isang kandilang biglang naupos.
Sa isang pook-sapot na kung tawagin ay Wattpad unang sumubok ang binata sa pagsusulat, ngunit sa dami ng tao ring nagsusulat at halos kabataan ang lahat naisip niya na ito ay hindi uubra sa kaniya. Hindi naglaon, isang bagong pook-sapot ang kaniyang sinubukan pangalan ay Steemit.com na naipalabas kailan lang.
"Wala namang mawawala hindi ba" sambit ng binata sa kaniyang sarili habang unti-unting tinatahi ang kaniyang mga istorya.
Tanging magagandang bagay ang kaniyang natanggap mula sa kanyang mga sinulat, at unti-unti ang kumpiyansa niya sa sarili at bumabalik na. Bagama't kakaunti lamang ang tagabasa naramdaman niya na dito siya nabibilang. Dama niya na ang bawat likha, karakter sa isip at nadarama niya ay biglang nagkakaroon ng halaga. Mula sa reaksyon ng mga mambabasa unti-unti ang kanyang pagnanais na sumulat muli ay bumabalik na.
"Ang Palanca makakapaghintay iyan. Lalo pa akong magpapakahusay dito sa aking larangan". Masayang nasabi ng binata habang itina tayp ang kanyang mga akda.
Siya nga pala ako ang bida ngayon dito sa aking munting likha.
Ito ang aking piyesa sa patimpalak na inilunsad ni @steemph.cebu bagama't hindi ako taga Cebu nakalagay sa paanyaya na ito ay para sa lahat ng Pilipino upang palawakin ang sakop ng Wiking Filipino sa steemit. Ang akda ngayong araw ay nagmula sa malikot na pag-iisip ni @tpkidkai ngunit di gaya ng mga nauna kong gawa ito ay pawang katotohanan at nawa ay nakilala niyo ako ng kahit papaano at nalaman ninyo kung sinu-sino ba ang impluwensyang mayroon ako.
Mga Pinagmulan ng larawan
1 2 3
I am a part of @steemitfamilyph. Join us!
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
Bravo!!!👏👏👏
Mabubuo muli ang pangarap,
Pagtagpi tagpiin at ikaw ay magsumikap!
Hangad mo ay hangad ko!
Pagyamanin ang utak,
Maging inspirasyon sa bawat nilalang.☺️
Ang galing ang ganda ng tula :)
Salamat sa pagkomento. Ito ay sobrang ikinatutuwa ko.
Haha... 🤗🤗🤗
Aking kinagagalak na ikay natuwa... katuwa ang tagalog... hirap maging makata...😂😂😂
Katuwa talaga ang tagalog 😇 tapos habang binabasa mo sya tumutula ka pa. Hahaha ganyan na ganyan ako pag nag babasa ng tula 😂
ayyyy buti naman at hindi lang ako yung mukhang tanga na nagbabasa ng ganyan hahaha, may rhythm pa sya. 😂😂😂😂 pati pagka naggagawa ako. parang may melody para masarap basahin at pakinggan.😊
Oo kaya minsan di ako nagsusulat ng tula. Hahaha iniisip nila nalilipasan ako ng gutom at malalalim na Tagalog ang gamit ko.
nakakabaliw!😂😂😂
kayang kaya mo yang Palanca!
Let's see pero ayan ang target ko talaga since bata palang ako. Sana magkaroon ako ng chance na makagawa ng bagay na mapapasa sa kanila.
ang dami kasing entries e, pero"Try and try, @tpkidkai!"
Oo ganun na nga. Tsaka wala akong formal na aral tungkol sa pagsusulat. Pa expert mode muna ako haha.
Darating ang araw, makikilala rin ng Palanca si Berto haha
Hahaha oo lilinisin ko pa yang kwento na yan. Gagawan ko ng mas mahabang scripting at dula yan.
Sa taglay mong talento, pusong Pilipino, at mga adhikain ay unti-unti mo ring makakamit ang mga pangarap mo sa buhay.
G lang, bes. HAHA.
Salamat bes sa support dyan. Sobrang appreciated yan ng buong puso,kaluluwa, apdo at balun-balunan.
You deserve all the success. Isa kang role model! #HindiAkoSipsip
Keep it up👍