Literaturang Filipino

in #literaturang-filipino8 years ago (edited)

2017-14-12-17-28-57.jpeg

Paalam hanggang sa muli kaibigan.
Kaibigang aming kalaro, sa bawat kawig ng paa, bawat andar ng kaniya kaniyang dalang skateboard tayo ay masaya na. May mga bagay na hindi masabi. Mas maigi yun. Lalaki tayo, iwas lang sa drama.
Ngumingiti, masawi man sa pag-ibig o mag-karon ng panibagong minamahal. Nasa imahinasyon ng bawat isa ang mga daan na tatahakin ng bawat isa. Barkada na pamilya ang turing may pag-ibig at pag-papahalaga sa bawat isa. Una kang nag-kapamilya at nag-tagumpay. T-shirt na mano manong tinatatakan at binebenta sa kung sino-sinong pwedeng alukan.
Ngunit kagaya ng nilalaro nating skateboard, kinawig ka ng buhay papalayo.
Hindi natin masasabi kung saan, kung kelan mang-yayari.
Kung anong oras, sa pag-tanda ba o sa panahon ng ating kabataan?
Isang ilaw mula sa kaliwa, habang ang sa’yo ay nasa kanan. Pumagitna sa daan... isang iglap ng buhay. Ngayon ay nang-hihinayang, bakit ka hinayaang umalis! Ano ang mali na ginawa upang hindi mapansin na ang gabing yoon na pala ang huli.
Huling halak-hakan, huling asaran, huling paalam. Nawalan ako ng kaibigan sa gitna ng normal na gabi. Kung saan maliwanag ang mga bitwin at tahimik ang hangin. Sana binigyan mo ako ng pahiwatig para sa umaga nalang umuwi.

download.gif

72A5A45C-5096-47AA-B9AE-7B5E3396B996.png

Ang kwento at sining na ito ay para sa aking namayapa ng kaibigan na si Joshua Mari Cinco. Na-aksidente siya sa motor dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.

DQmUbcuWCSxRq5eRt3pG5WZ7qgeemnM4F1nzC1XfrXVWF3t (1).gif

Sort:  

:'( so sorry to hear about the loss of your friend. He left this earth too young.

Sorry for the loss.