Di daw lahat ng ginto kumikinang, malalim ang kahulugan pero makatotohanan

in #pangarap7 years ago (edited)

Ang pangarap hindi kumikinang pero ito ang totoong ginto na magpapaningning sa ating buhay. Pangarap na sana sabay nating lahat nakamit. Pangarap na sana magpapabago sa buhay at aahon sa atin sa kahirapan. Subalit tulad ng ginto, ang hirap nya maabot. Tulad ng ginto hindi natin alam kung saan nakatago. At dahil sa hirap ng buhay yung pangarap natin tuluyan ng nakalimutan at yung gintong ating pinanghahawakan ay tuluyan ng hindi kuminang. Gumuhong mga pangarap, gumuhong buhay. Lahat nagbago, pangarap tuluyang naglaho. Mahirap man tanggapin subalit iyon ang totoo. Na kahit yung mga nakapagtapos walang permanenting trabaho at kumakapit pa rin sa endo endo.
Ganito nga siguro maglaro ang kapalaran. Ang mayaman patuloy na yumayaman at ang mahirap patuloy ring naghihirap. Ang ginto patuloy na kikinang at ang pilak, sa pagdaan ng panahon, kinakalawang.