RE: Bahagyang Solusyon sa Pagboto sa Sarili
honestly, nasubukan ko ang pagboto sa aking mga komento sa ilan sa aking mga posts. nung una medyo masaya ako dahil pwede pala akong kumita sa pagboto ng aking sariling komento. kalaunan, napansin ko na naging "gahaman" ako at kahit walang kwentang kumento ko aking binoboto. pero napag isip isip ko, kung ganito lahat ang mangyayari, wala ng kwenta ang contents ng Steemit.
Kaya itinigil ko ang pagboto sa aking kumento. Pero patuloy kung binoboto ang sariling post ko. Unang-una, inilagay ang ganitong feature dahil ang Steemit designers ay may kaukulang rationale kung bakit ganito.
Pangalawa, ipinapakita na ako mismo, ang author ng post, ay may tiwala sa mga sinulat ko. Hindi ko ito iniisip na "nagbubuhat ng sariling bangko" bagkus nagpapakita na ang post ko ay may halaga at kaaya-ayang basahin.
May pagkakataon na binoboto ko ang sarili kung kumento upang ito ay malagay sa pinakamataas na posisyon ng comments section. Ginagawa ko ito lalo na pag ang kumento ko ay isang instruction patungkol sa post na ginawa ko. pero hanggang dun na lang.
Ang self-voting ay isang double-edged sword. pwede talaga itong abusuhin or gamitin ng tama, sa tamang dahilan at paraan.
Tama ka dyan @cjclaro. Maraming salamat sa iyong komento.
salamat @juvyjabian. nawa magamit ang feature na ito sa tamang paraan.