AKDANG TULA PARA SA MADLA #3 - "ANG BARKADA"

Sa isang libo't isang tuwa
Pinagsamahang di mawawala
Mula pagkabata hangang sa pagtanda
Nariyan parin sa ating gunita
Panahon ng kabataa't kamusmusan
Simula ng magandang samahan
Sadyang kay saya natin nuon
Ang gunita ng ating kahapon
Lumipas man ang panahon
Lumisan man ang ilan
Kumulubot man ating balat
Pangako natin ay sapat
Di malilimutan saya ng samahan
Sa lungkot at saya ng pinagdaanan
Sanggang dikit nuon at ngayon
Magkaibigan habang panahon
~ ***** ~
~ ***** ~
SANA'Y INYONG NAIBIGAN
MARAMING SALAMAT!
composed by:
@cejero021
~image credit~
***********
***********
Ayos ang may gandang klase ng kaibigan, for life. :)
@cejero021 Steemit is gonna change lots of lifes, it has changed mine and many others but that is just the beginning. Followed
I agree with you on that.
Thanks for dropping by!