"Silya" : An Original Filipino Poetry
"Silya"

Photo source : Pixabay
Araw iyon ng katapusan ng buwan
Umuwi ako sa amin na luhaan
Dahil ninakaw ang aking mga laruan.
Nadatnan ko ang lola sa aming silid
Nakaupo sa "Silya" niyang makitid.
Nagtatahi sa palda ng aking kapatid
Hinahagilap kung saan nakalagay ang sinulid
Lumapit ako at tinulungan si lola
Isang salamat ang natanggap mula sa kanya
Pinalapit niya ako at pinaupo
`May ikukuwento ako sayo "iho"
Kinuwento ni lola ang mga karanasan niya
Ang mga kaugaliang pagmamahal sa nakakatanda
Lalo na ang pagpapahalaga sa pamilya
At doon napukaw ang aking atensyon at napahanga
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
it's great!
Nice one
Posted using Partiko Android