RE: Pagpipinta Gamit ang mga salita|Isang Patimpalak
Habang binabasa ko 'to, automatic ding nag-flashback sa utak ko 'yung buhay ko sa elementarya at highschool. Masaya nga namang balikan ang mga panahong iyon kasi lahat tayo, may kanya-kanya sigurong kalokohan habang nag-aaral. Hehehehe
Isa sa mga napansin ko sa sanaysay mong ito ay ang linis ng pagkakasulat. Natutuwa ako kapag malinis at maayos ang ang pagkakasulat ng binabasa ko. Bagama't emosyon at sense talaga ng kwento ang mas matimbang sa akin, dagdag puntos pa rin talaga sa akin ang malinis na sulatin. 'Yong walang masyadong typo errors, maayos na pagbuo ng mga pangungusap, wastong paggamit ng ng mga bantas, pagbabaybay at balarila sa kabuuan. Bagama't may mga napansin pa rin akong hindi tamang paggamit ng mga gitling sa ibang mga salita, hindi naman iyon naging hadlang para mabawasan ang ganda ng iyong sinulat dahil kaunti lang naman ang mga iyon (ala-ala — **alaala, pag-may — kapag may o 'pag may, nag-lagi — naglagi).
At sa pagpipinta naman gamit ang mga salita, kita ko ang paggamit mo ng tayutay, pang-uri at mga pang-abay, kaya natutulungan ako ng mga itong magbuo ng mga larawan sa aking utak kaugnay sa isinulat mong sanaysay.
Maayos ang paglalahad mo nito, subalit inaasahan kong may espesyal kang kwento tungkol sa mga naging guro mo kaya hindi mo sila makalilimutan. Ngunit naikatwiran mo na rin naman sa unang talata na walang kang naging paborito kasi marunong kang makontento at ayos na rin ako roon. :)
Sana'y magsulat ka pa nang magsulat gamit ang sarili nating wika. At iniimbitahan din kitang sumali sa aming discord kung saan nakatambay roon ang mga manunulat ng wikang Tagalog (kung wala ka pa sa tambayan): https://discord.gg/SaCQGKP
Maraming salamat! :)
ow, Gusto ko talaga 'tong ganito, yung may mag review sa sulat ko, para naman sa susunod na magiging akda may basihan. Nasa discord na ako, tambay ako duon pag may oras. Maraming salamat.
Sana sumali ka rin sa TagalogSerye kapag may oras ka, @amayphin. Natutuwa din kasi kami kapag marami ang sumasali sa TS. :)