Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas"
Maligayang pagbati sa lahat ng makakatang pinoy narito po ang aking opisyal na lahok para sa panibagong yugto ng word poetry challenge ni ginoong @jassennessaj na may temang "PILIPINAS"
"PILIPINAS"
https://pixabay.com
Kilala sa Bansag na Perlas ng Silanganan.
Ito ay Nahahati sa Tatlong Kapuluan,
Taglay ang Kagandahan at Kayamanan.
May Malawak na Lupaing Hitik sa Yaman.
Iba't ibang uri ng Hayop dito Matatagpuan,
Dito ang Gubat at Kabundukan ay Luntian.
Fiesta't mga Palaro, rito mo lang Masasaksihan.
Mga Masasarap na Putahe Iyong Matitikman,
Masayang Pinagsasaluhan ng Sambahayan.
Pagmamano Paggamit ng Po at Opo rito mo lang Mararanasan.
Mga tao dito'y masayang Nagtutulungan,
Sa mga Nayon Buhay ang diwa ng Bayanihan.
Ito ang "PILIPINAS" na Aking Sinilangan.
Kung ang Aking Tula ay Iyong Naintindihan,
Malamang Ikaw ay Pilipino, at "PILIPINAS" ang Iyong Bayan.
Marami Pong Salamat Sa Pagbasa!!
Kung nais lumahok sa patimpalak na ito mangyaring wag mag-atubiling tapikin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon wordpoetrychallenge
https://steemit.com/@rogerpunk
Nakakaproud maging Pilipino dahil sa tulang ito. Salamat @cradle. :-)